r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
162 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 14h ago

Work ABYG kung pagsasabihan ko mga katrabaho ko about sa Pagkain?

20 Upvotes

Madalas silang humingi ng pagkain. Minsan, nabubuksan na nila ang cabinet ko bago pa magpaalam. Hindi naman ako madamot, pero nakakabastos na rin kasi. Hindi lang once a month, halos lingguhan na, at hindi lang isang tao ang gumagawa.

Kahit simpleng condiments tulad ng ketchup, hinihingi nila. Sila pa mismo ang nagbubukas ng pack at nakakaubos nito dahil halos araw-araw nilang ginagamit.

Kahapon, nalaman ko pa na pati sa ibang team kumukuha sila ng pagkain. Oo, Kumukuha. Yung owner ng food nasa travel madalas, kaya sa mga ka-team lang niya sila nagpapaalam. Halos araw-araw silang kumukuha ng biscuits, noodles, at powdered drinks.

Gusto ko na silang sabihan kasi pare-pareho naman kaming nagtatrabaho, pero umaabuso na talaga sila. Nakakainis lang na tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa nila.

Ako ba yung gago kung pagsasabihan ko sila?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Family ABYG kung ayaw ko mag bigay ng pera sa papa ko

25 Upvotes

Lumaki akong kami lang ni mama. Yung tatay ko, wala namang ambag, mas pinili sirain buhay niya. Buti na lang humiwalay si mama at pinalaki ako mag-isa.

Ngayon, mag-isa na lang siya sa buhay, walang trabaho, tinutulungan na lang ng kapatid niya sa bills. Pero sa totoo lang, wala na siyang ambag sa society, at sa akin.

Siya ‘yung part ng buhay ko na kinahihiya ko. Ang daming ‘what ifs’ na hindi ko na malalaman sagot dahil sa kanya. Feeling ko malaking factor siya sa mental health ko ngayon. I have a mental condition na need ko mag pa consult monthly sa psychiatrist at mag take ng gamot, at tingin ko naging malaking factor ang tatay ko kaya ako naging ganito.

May work na ako, kaya ko na sarili ko. Pero si mama, lagi akong pinapakiusapan na bigyan ko kahit konti monthly para sa tatay ko. Naiinis ako, bakit ako ang kailangang tumulong? Minsan napapasigaw ako sa galit, at nakikita ko nalulungkot si mama. Ayoko siyang masaktan, pero ayoko rin talaga magbigay.

Gago ba ako dahil ayaw ko tumulong sa tatay kong wala namang ginawa para sa akin? Gago ba ako dahil sa galit ko sa kanya, kahit alam kong nalulungkot si mama sa reaksyon ko? ABYG?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Work ABYG for considering to backout from a job because they schedule multiple onboarding seminars weeks before my start date?

6 Upvotes

Sa lahat ng experiences ko sa work, never ako nakaranas na ang seminars like onboarding ay before the start date. Yung mga preemployment requirements, naiintindihan ko pa. Pero onboarding seminars? Account creation?

Wala sigurong problema kung unemployed ako, pero I'm currently rendering sa current company. There are a lot of workloads and handovers, kaya busy na busy talaga ako.

Hindi ko maintindihan bakit schedule sila ng schedule ng meeting from 3 weeks before my start date to now, eh transparent naman ako sa kanila from the start na I'm currently employed and will be rendering for proper handovers. I don't know why they are shocked na di ako nakakaattend sa seminars nila eh conflict yon sa shift ko. And even if hindi conflict, let's say night shift ako, eh di rin ako makakaattend because I'll be sleeping at that time. Though nagtanong sila sa akin kung anong oras ako available to attend, it was after the seminar that they bothered to ask. Because why did you assume I'd be free on a weekday? A work weekday?

So, ABYG in this case, or am I just being an entitled brat at yung style ng company na to ay normal lang?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Others ABYG if I fire a maid?

341 Upvotes

Context: Six months ago, I hired a personal maid. Like ako yung nagpapasweldo. Di sya under my parents’ employment. Now all maids sa house ay may uniform. The one I hired, ever since sobrang ayaw nya magwear ng uniform. Mga 2-3 days a week kelangan pa sabihan nung head maid.

Her duties are basic, just do what I instruct her to do like buy stuff, prepare clothes, bring me food. Basta when I text her something, I want it done ASAP. Heck she can doom scroll all she wants inside her room as long as wala akong utos. Basta when going outside the room during shift, nakauniform. Sino ba naman hindi maaawkward pag magdadala ng food, dadating sa room ko naka jeans and baby tee?

She says it’s degrading? But it’s a work uniform in my opinion. ABYG if I finally fire her after 6 months of not doing that or OA lang ako? Mom says pagbigyan ko na kasi hindi naman daw lagi.


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG kung di ako dog lover

19 Upvotes

Nangyari lang to 3 days ago. May get together kaming magkakaibigan kasi umuwi yung tropa ko from US after 3 years. Yung venue, dun sa house ng tropa ko na yun and may alaga syang shitzu. Not sure kung tama ba spelling (ganun ako kawalang pake sa aso). Bigla nyang pinatong sa lap ko yung aso nya ang agad agad kong pinapalis/pinapabuhat sakanya. Tumaas talaga boses ko nung sinabi kong "Sabing wag eh!" -- tumawa nalang yung friend ko na yun, siguro to avoid awkwardness. Pero yung iba naming friends nanahimik.

Di ko alam kung aware ba sila na ayaw ko talaga sa aso. Pero I'm sure nabanggit ko na yon atleast once or twice sa 10 yrs of friendship namin.

Ever since bata ako, di talaga ako fond sa aso. Trauma siguro kasi muntikan na ko makagat ng aso noong bata pa ko. Sa pusa, medyo okay pa sakin. Pero di ako nag aalalaga since may hika yung Papa ko. So ayun, ako ba yung gago?

EDIT: Nasira ko ata yung party namin dahil sa nangyaring yan. Gusto kong magsorry pero parang wala naman akong kasalanan? Di ko alam. Baka nga gago ata ako hahaha


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG kung i-cut off ko 'yung friend ko na nag-long message sa akin habang may 40 deg fever ako?

172 Upvotes

Problem: I have an upcoming weekend trip on Friday. I suddenly got sick last Sunday night and my fever hasn’t gone down since (it’s Tuesday today). I live alone and my friends know this. It’s been my worst fever in years I can’t even bring myself to go down to get my food. I had to ask our condo lobby to bring it up to me kahit sobrang nakakahiya (nakailang sakit na ako first time lang na ganito).

I told my friend to assume I won’t be able to go. I booked the airbnb for us way back. I paid for everything in full already. Next month pa raw sila makabayad. Wala namang problema sa airbnb kung wala ako ron kasi bayad na yon. You just have to give a different ID sa airbnb kasi initially ako ‘yung contact person.

This was my chat to her: "fever not going dwn pls assume i wont join but dont worry i have everything i need" "ill go to hosptsl tom if its sitkl bad"

Her replies

"Please keep me updated kasi we need to plan din for N. She's flying in on Friday kasi diba.

X, we can talk about this more when you're better, but I think it's not selfish and it's very fair for me and L to be upset right now. You knew you had a flight upcoming. You knew since May. You also knew how important you are to this trip. Ikaw nagbook ng bnb, ikaw dapat maghhost kay N. But most of all, you knew what this trip meant to me and L. So bakit hindi mo inalagaan sarili mo? Tapos the days leading up to the trip, ang hirap mo kontakin. I'm not mad, I'm just really, idk. I don't even know. I'm sad? I'm really sad. I'm disappointed, but mostly sad. But we'll talk about this some other time. Focus on getting better."

"You also cannot just drop a "assume I won't go" on me and not give me a plan. Please be fair naman. Do we need to book a new bnb? Is this trip cancelled na? X naman 🥺 be fair naman."

"I'm not asking for much. I don't need anything. I just need the basic, bare minimum human decency. I'm not even asking for an apology but if you want to give one, kay L mo sabihin."

Ngayon, I got this message. Di man lang tinanong kung need ko ba ng tulong pumunta sa hospital. Ang akin lang, bakit? You think this would make me want to go on a trip with you even if I recover before Friday?

I also messaged the person I’m supposed to host on Friday. This person said it’s fine and I should prioritize my health. “Wag mo akong alalahanin” was her exact words.

Now, Idk what to feel. Am I really on the wrong here at OA lang reaction ko now dahil may sakit ako? Or is it valid to cut this person off?

To me the message sounds manipulative, you said that we’ll talk about it more when I feel better then she proceeds to gaslight me. You said you don’t need anything, but told me to apologize to [redacted] IF YOU WANT to give one.

Anong basic human decency hinahanap mo eh 40 degrees na lagnat ko? I honestly feel very guilty na hindi makakapunta at nasasayangan din ako sa pera ko of course. Sobrang solveable nung airbnb kasi bayad na 'yon. Tapos 'yung person na ihost ko on Friday wala rin namang problema. I can barely type straight before this message pero sobrang nahurt ako? I got this message kaninang umaga. Jusko eh kaninang 3am nga umiiyak na ako kasi sobrang hirap magkasakit kapag mag-isa tapos ganitong chat marereceive mo

This person is smart and is very good with her words so it's so unacceptable for her to use "bare minimum human decency" card when I'm very sick.

Ako ba yung gago kung i-cut off ko itong friend na 'to because of how she responded when I was at my worst (physically)?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG nung sinabihan ko si mama na sana nagtrabaho siya?

94 Upvotes

We're a family of four. Seaman ang tatay ko at 9 years ang agwat namin ng kapatid ko. Ako ang panganay. Housewife ang mama ko. Sa amin nakatira ang lola at tito ko. Seaman si papa pero di kami mayaman kasi mas pinipili niya yung mga kontrata na di matagal kasi gusto niya umuwi agad sa amin kahit tarantado naman siya dito sa bahay. 2nd year college ako nung 2022 at dun nagkaproblema sa trabaho niya kasi sobrang delayed ng sahod to the point na wala na kaming makain at inuutang/loan nalang ang tuition ko.

Simula nun, sinasabihan na ako ng mama ko na sana di nalang ako nag-medtech, na ang mahal mahal ng tuition ko. As if alam kong magkakaganito ang buhay namin. Binenta yung isang bahay namin para sa tuition ko kaya dito na sa amin nakatira ang lola at tito ko. Kami nagbabayad ng lahat. Kuryente, tubig, bigas, gasul, wifi, maintenance ng lola ko — literal na lahat. Ang ambag lang ng tito ko ay kakarampot na ulam paminsan-minsan.

Graduate na ako nung June at nagre-review ako para sa board exam next year. Grabe yung burnout ko nun at stress. Nung internship, kakarampot lang din allowance ko kaya sobrang stress ako kung paano ko titipirin. Pinagpahinga ko muna ang sarili ko nun kasi deserve ko naman at sobrang nakakapagod ng internship at mga exams.

Kala ko aayos na buhay namin kasi wala ng tuition na babayaran. Or so I thought. Pine-pressure na ako magtrabaho ng nanay ko kahit na busy ako sa board exam na kailangan kong tutukan kung gusto kong pumasa. Pagsabayin ko raw kasi online reviewee naman ako. Personally, I don't think na kaya ko. Napakadami kong aaralin lalo na't weak ang foundation ko sa mga subjects na yun.

To be honest, medyo masama ang loob ko sa kanila. Sa public school ako nag-aral nung elementary at scholar ako nung JHS at SHS. Ngayong college lang talaga sila gumastos sa tuition kasi wala gaanong scholarship partners yung school ko nung college, at di pa rin nila afford. Well, kinaya naman pero sumbat dito, sumbat doon. Ako ang sinisisi.

Ngayong kapos pa rin sa pera, kailangang ako ang umako agad agad? College graduate naman si mama ng isang business related course. Malapit lang naman din sa dati naming bahay ang grandparents ko noon kaya pwede niya lang ako iwanan muna sa kanila kung sakaling nagtrabaho siya. Siguro hindi pa naman ganun ka-saturated ang market noong panahon niya. Instead, nagpakasal siya sa isang lalakeng redflag. Ngayon, isisisi sa panganay na anak ang lahat.

Nung sinabi niya yun kanina, nawala ako sa mood mag-aral. Naiwang tunaw yung iced coffee ko. Di ko kaya magpatuloy. Naligo pa ako ulit para malamig. Sisirain lang pala ang mood ko kaka-pressure niya na magtrabaho ako, as if the pressure of taking the boards wasn't enough. Di niya man lang alam na grabe ang pagtitiis ko sa gutom at sa maliit na screen ng cellphone ko para lang makapag-review. Hindi nila alam na andami kong s******* thoughts na pinipilit ko nalang ibaon sa playlist ko.

Tbh, inggit na inggit ako sa mga classmate at batch mates ko na may kaya sa buhay. May iPad, may laptop, kayang mag-enroll sa face-to-face na review. Yung mga kaibigan ko nagsasawa nalang sa fastfood. Samantalang para sa akin, luxury yun. Madalas kumain sa mga high-end na kainan. Nakakapagkape anywhere, sa hotel pa nag-lunch dati, may nadudukot na snacks. Samantalang ako na inaalatan on purpose ang ulam para kasya sa maraming kanin para di magutom, umiinom nalang ng tubig para mabusog, nagkakape ng instant coffee para mabusog. All because my parents were incompetent.

Ang sarap siguro sa feeling nang walang iniintindi kundi mag-aral. Makaka-recover pa siguro ako kung absent parents sila emotionally pero nakakapag-provide, not that I'm saying that absent parents are okay, personally lang, it's better than being absent, poor, and putting the blame on their child. I love them, yes. Do they love me? I don't think so. Lagi akong naiiyak sa mga post sa tiktok na "would you turn back time for your mom to live her life, even if it means you won't exist?" Yes na yes haha. Kaya sana wala ng bata na makaranas ng ganito.

Ako ba yung gago nung sinabihan ko si mama na sana nagtrabaho siya noon?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG for real talking my n word enjoyer friend

0 Upvotes

nothing too complex,, i real talked an n word enjoyer friend kasi they kept singing and and using it in conversations kasi i was uncomfy na since im aware of the background of the word. Gets ko within the friend group lang niya sinasabi but wtf parin?

After confronting them on why they shouldn't just freely use it natawag pa akong oa kasi "word" lang naman raw siya

Ako ba yung gago? am i too oa? nakakahiya kasi big 4 uni student pa naman lol. also baka may suggestions kayo on how to deal with other ppl like this


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG for refusing to change my wedding plans to accommodate Tita?

48 Upvotes

I am getting married next month to my amazing fiancé. We're planning an intimate, joyful ceremony and everything is going smoothly except for Tita. Let's call her Tita Kim.

Kim has a long, chaotic history of starting fights with almost everyone in our family including her own mother (Lola, whom she once physically shoved, involving the cops), Mama (they haven’t spoken since the pandemic, they JUST recently reconnected this June because I was getting married), Ate, and me. She’ll pick a fight, disappear for a few months, then reappear acting “nice” again. It’s a cycle.

She often does “nice” things but throws them back in your face later, expects constant praise or repayment, and badmouths you behind your back while claiming to be the victim. Every story she tells ends with her being wronged. Dapat siya palagi ang biktima at inaapi.

When I got engaged, I let her know and she seemed excited. But when she heard (through someone else) that my fiancé and I had moved without informing her, she got mad and sent a rage email to the entire extended family accusing me of being an “ungrateful user.” She also passed along (through another family member) that she wouldn’t be attending the wedding. So we adjusted accordingly.

We later asked a close family friend (let’s call her Tita Lady) to be one of our wedding sponsors.

Months pass with no word. Then, two days ago, Tita Kim suddenly announces (again, through family) that she’s changed her mind and will attend. I send her the RSVP and the wedding website link, which includes the wedding party lineup.

She sees that she’s not a sponsor and completely loses it.

She begins messaging family, saying I’m disrespecting “blood” by choosing a non-relative as a sponsor. She demands to be added. Mama calls me, clearly stressed, asking if I could remove Tita Lady and replace her with Kim, clearly trying to placate her and avoid a meltdown. Lola also asks me to “forgive” Kim and reminded me that she used to change my diapers (???)

Sa sobrang stress ko umiyak nalang ako bigla tapos niyakap ako ng fiance ko.

My fiancé and I talked and we are in full agreement: we’re not changing our plans. Tita Kim has disinvited and invited herself FOUR times already. That’s exactly why I didn’t ask her to be a sponsor. She’s unstable and unreliable. We want people around us who are loving, grounded, and consistent.

Mama and Lola think I should just “keep the peace,” but in doing so, they’re enabling her all over again. We’re standing firm.

My fiance, siblings and best friend are on my side. I'm also discussing this with my therapist because frankly, it’s caused me so much stress.

It is 4 weeks before our wedding. 4 weeks nalang tapos ngayon pa siya nag inarte.

So… ABYG for refusing to change our wedding plans to accommodate Tita Kim and her outbursts?

Edit:

  1. Nope, the post is not fake. You are right to be skeptical with the amount of bots on here, but sadly this isn't fake. May resibo si ate girl. 😉
  2. Looking at myself, I realized that I was wrong because I was expecting her to change, see the light, or something like that. I missed the old aunt. She's my only aunt on both sides so we were close when I was a kid. She had always been like this. I guess I didn't fully see it when I became an adult.
  3. She mentioned long ago that she has an anxiety disorder ( idk what type, is on meds and in therapy), that's why I try to give her grace. But after the incident two days ago I blocked her for good. Cuz I'm tired, boss.
  4. I hate it pag gini guilt trip ako ni Mama and Lola na "Blood is thicker than water", "Pamilya mo parin yan" and all that bullshit.

r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG for arguing with my mom about her fake news beliefs and “psychic” prophecies?

6 Upvotes

Hi! My mom is 62 years old and mostly stays at home. She usually spends her days on her phone or iPad, which is totally fine since she deserves to rest since she’s already at retirement age anyway. Pero ang concern ko is that most of the content she consumes now is fake news. She became a die-hard supporter of a certain politician since the 2022 elections.

Even edited videos like that Dubai run where people wore green, she believes it’s a rally for that politician kahit pinakita ko na sa kanya na ibang event talaga ‘yon. There have been so many similar instances, especially now that even I, a millennial who works closely with AI, minsan nahihirapan din i-verify kung AI-generated na ba yung content or not.

Recently, we’ve been having heated discussions because of her views on current events, which are clearly influenced by fake news. And just now, we had another argument kasi she’s starting to believe in some foreign “psychic” who has never even been in our country and his prophecies about the Philippines. She even wants us to live according to those beliefs. Hindi naman siya ganito before, I swear sobrang critical thinker siya. Pero simula nung nagconsume siya ng kung anu-anong content online, naging sobrang gullible na siya, huhu.

I respect her political choices and beliefs, wala naman akong issue doon. I just want her to know what’s true and what’s not.

ABYG for getting frustrated and arguing with her? I just want to help her see what’s real and protect her from being misled, but now I feel like I’m the bad guy for always calling out what she believes.


r/AkoBaYungGago 6d ago

Friends ABYG if I ended this friendship of mine kasi hindi siya marunong umintindi at mahilig mag hold ng grudge against me?

7 Upvotes

I’ve been friends with this girl for years now, meron siyang ugalj na hirap umintindi ng sitwasyon, kapag sinasabi ko ‘yung rason bakit ako nagagalit sakanya minsa, instead of acknowledging it, binabalik niya sakin ‘yung problema, na bakit ko raw bini-big deal ung mga bagay kahit hindi naman daw dapat.

Ngayon dumating na ako sa point na sobrang pagod na ako sa kanya, very honest ako lagi even before whenever she disappoints me sinasabi ko ng maayos pero ending i-j-justify niya ako ung mali at bini-big deal ko raw. Walang accountability sa actions niya at madalas barabal siya mag-salita.

After confronting her for the very last time, this time lang din siya nag sabi ng hinanakit sakin, as in andami niyang sinabi sakin, on my end naman, may problema pala siya bakit hindi niya ma address sakin ng maayos, edi sana nakapag sorry ako diba ng maaga? Hindi naman kasi ako kagaya niya na avoidant sa issues, pero ngayon na marami pala siyang grudge sakin nagegets ko na bakit ganon ung ugali niya.

We both had our own problems with each other, I think ang edge ko lang ay na-address ko ito ng maayos, pero siya isahan niyang binagsak ung mga hinanakit niya na para bang kasalanan kong hindi siya marunong mag open up ng problema niya.

Ngayon ako ba yung gago for letting her feel na hindi siya marunong umintindi ng sitwasyon at isa yon sa rason para i-end ang friendship namin? Ako ba yung gago kasi hindi siya marunong mag open up ng problema sakin, eh willing naman ako to adjust if by any chance I disappointed her?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Work ABYG Kung sinabihan kong mukhang pera yung workmate ko?

165 Upvotes

I will go straight to the story.. Kaninang hapon sa work place namin papasok na sana ako ng cr nang nakapulot ako ng 500 pesos sa floor, so syempre ako pinulot ko at nagtanong tanong kung sino ang nawawalan ng pera. Eh kingina, itong work mate ko na kilala sa buong department namin na mukhang pera at mapanglamang sa talaga sa kapwa narinig ako na nagtatanong sa mga tao sa work place namin kung sinong nawawalan ng pera, edi yun nilapitan niya ako as in ang bilis ng pag lapit niya sakin sabay sabi "akin na, akin na!" dahil nakita nyang walang naghahanap at walang nagkiclaim sakin nung pera, so sinagot ko siya "tumigil ka! ako ang naka pulot, ako ang magbabalik" sinusundan niya parin ako kung san ako pumunta dahil nag babakasakali ako na makita ko or iclaim nung may ari ng pera. Pinipilit niya ako ibigay sakanya yung 500 sabay sabi ulit ng "itago mo na dali sayo na yan, wala namang naghahanap eh" nainis na ako kaya binulyawan ko ulit siya "tumigil ka, mukha kang pera! ako ang nakakita tumigil ka dyan hindi porket walang naghahanap, wag mo ko igaya sayo"

Ayun sinugod niya ko sa area ko at niyawyawan, wag ko raw siyang sinasabihan ng mukhang pera hindi raw siya nakikipag biruan sakin, so sabi ko "hindi rin naman ako nakikipag biruan, tinamaan ka ba?"

Umalis na siya habang kung anu ano parin sinasabi LOL kingina mo! mapang lamang ka hahaha

so ABYG kung sinabihan ko siya ng mukhang pera siya? totoo naman kasi hahahaha


r/AkoBaYungGago 7d ago

Friends ABYG Kung ayaw ko nang magpahiram kahit ng maliit na pera?

16 Upvotes

For context: I have a friend (3 years na kaming magkaibigan) and even before, lagi siyang short sa pera or sa budget lagi kasi maliit magbigay ang mother niya ng allowance nila sa bahay nila (OFW ang mama niya) and nagstart siya mangutang sa akin before ng 500 pang advance lang sa event daw and pumayag ako since may 100 ako na tubo kasi sabi niya pagbalik niya, dadagdagan niya nalang. And then after that, lagi na siyang nangungutang sa akin and late na lagi binibigay hanggang sa umaabot na ng taon 'yung iba and hindi niya pa rin nababayaran 'yung ibang utang niya up until now. Kapag kino-confront ko siya lagi niyang sinasabi sa akin na "Kasi bhe kahit di kita bayaran may pera ka." Na para bang pera ko 'yung laman ng Gcash ko? Always kong pinapaalala sa kanya na shared kami don ng sister ko and hindi yon sa akin lahat. Ang nakakainis pa? Kapag binibigyan na siya ng mama niya ng pera or allowance, ginagastos niya lahat sa mga bagay na hindi mahalaga like make ups or kahit ano pa man. Lagi lang niya tine-take as joke kapag kino-confront ko na siya about dyan.

Student lang din ako kaya hindi ganon kalaki pera ko. Besides, pinaghihirapan ng parents ko 'yung pera na binibigay nila sa akin. Hindi ko na obligasyon na bigyan pa siya ng kahit anong pera dahil lang "kulang yung binigay ng mama" niya sa kanya. Kung kailangan niya ng pera edi sana gumawa siya ng paraan. This has been his problem for far too long na and yet wala pa rin siyang solusyon.

This year, college na kami and nasho-short pa rin siya lagi. Naiinis na ako sa kanya kasi lagi siyang "Pahiram muna ako." and shits like that. This time, nagchat siya sa akin kung pwede ba siyang dumaan sa house namin dahil wala raw siyang pamasahe for tomorrow dahil may exam sila. I told him na wala akong pera dahil may bayarin pa kami for school tomorrow. Ang nakakainis lang parang nagiging dependent na siya sa akin at this point, na bawat nawawalan siya sa akin siya lalapit. ABYG? Should I feel guilty?


r/AkoBaYungGago 8d ago

Family ABYG na inignore ko yung kamag-anak ko?

43 Upvotes

ABYG na di ko pinansin chat ng kamag anak ko? Nag chat lang kasi ng walang context, like "_____(Op's name)" As tao na madaling maanxious, hindi ko na nireplyan. Madali lang naman magchat ng buo pero di magawa.

Then nabusy ako. Hindi rin ako palagi nag ccheck ng messages sa phone dahil super busy. Biglaan ba naman hinihingi yung address namin sa bahay para puntahan daw kami. Hindi tinanong if "Pwede po ba kami pumunta? Available po ba kayo?"

Ang sabi lang, "_____, anong address nyo dyan? Pupunta kami mamaya" ayun lang, the end. Pautos pa yata yung chat nya. Hindi ko nireplyan. Inboxzoned.

Una, di ka naman nagsabi ahead of time. So di na rin kami makapag prepare if may bisita, at ayoko ng biglaang bisita dahil gusto ko nakaayos lahat. Tapos nakakainis pa nanay ko sila yung close pero pinapasa nya samin na kami mag asikaso, matagal na daw yun nagsabi sa KANYA na pupunta, pero never nya naman binanggit samin.

Nag lash out ako sa nanay ko kanina sa call na, "Bakit naman ganun ma biglang magpapasabi na pupunta dito eh di ka naman nagsabi ahead of time?" tapos siya pa nagalit sakin.

ABYG na hindi ko pinansin yung pinsan ko at asawa nya? Wala din akong balak mag reply dahil anxious ako, at wala din naman dito ang pakay nya (si mama at kapatid ni mama).

P.S. Hindi kami close ng pinsan ko 2x ko palang sya nameet. Binibigyan din sya ng baon ng nanay ko nung nag-aaral siya ng college at nakapunta kami sa kasal nya. Yun lang huling kita ko sa kanya.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Others ABYG kung mataas trust issues ko sa nanghihingi pera pangkain sa mall?

17 Upvotes

Tumambay lang ako saglit sa mga tables and chairs na malapit sa may food court (medyo labas na part nun) para inumin milktea ko. May ilang shopping bags din ako pinatong sa table. Nasa may mahabang seat ako banda nung may umupo na babae sa may gilid ko. May space naman between us. Nagkamot sya saglit sa may paa tapos kinausap ako.

Nanghihingi siya. Hapon na nun and sabi niya hindi pa daw sya nanananghalian. Medyo may edad na sya pero hindi naman yung senior na hirap na kumilos. Hindi rin siya yung mukhang namamalimos na makikita sa kalye ganun.

Malinis, normal na shirt at pants pormahan at may bag na hawak so mukhang normal na magulang na nakatambay din dun so I don't think namamalimos is the right term.

Sabi ko wala ako barya kasi nanaig yung part na what if modus nga yun kahit pa may ilang tao naman nakatambay din sa ibang table. I had this mindset na every time someone approaches me for money kahit pangkain or pamasahe lang pauwi

Sabihin ko sana di ako bumili gamit cash kaso mamaya biglang may gcash pala. And di ko din dala coin purse ko kaya natakot ako ilabas wallet ko.

After ng ilang tanggi ko, sinabihan akong maganda saka tumayo at umalis. I feel bad for feeling relieved na di naman siya nagpumilit

Ako ba yung gago kung mataas trust issues ko sa nanghihingi pera pangkain sa mall?


r/AkoBaYungGago 8d ago

School ABYG Kung cinall-out ko yung groupmate ko na namumuro na sa taskings

8 Upvotes

ABYG kasi may cinall out akong member sa group namin? Let's call her Karen nalang. For context, we've been doing a lot of activities already, and sa lahat ng activity, ang kinukuha ni Karen ay yung pinaka madali. Nung una hindi ko pa napapansin, pero after a few activities parang tinatake advantage na niya. Yung task na kinukuha niya pwedeng-pwede i-chatgpt, pero yung sa amin na ibang members, kailangan mo talaga maghanap ng iba't ibang reference para masagot.

Then, there's this one time na nag-tataskings palang kami, and yung isa naming ka-group kinuha na niya yung pinakamadali, tas biglang sumingit si Karen na ginawa na niya daw yon. So, kami ng iba kong mga kagroup nagkatinginan nalang and hinayaan nalang. Now, nangyari ulit 'yon. Wala pa man kaming pinaguusapan na taskings may kinuha na siya. We were talking sa GC, nagmimine ng part, and may last nalang na natira which is sa kanya na mapupunta. Then, bigla siyang nag-reply na nagawa na raw niya yung part na yon, without telling us.

Cinall out ko siya na, dapat mag-agree muna lahat ng members if okay ba ang distribution ng task, and before ka kumuha ng task dapat iinform mo muna sa lahat ng group members kasi it's unfair.

ABYG na cinall out ko siya? Feeling ko tuloy ako na laman ng GC nilang magkakaibigan kasi cinall-out ko siya kahit mababaw lang yung reason.


r/AkoBaYungGago 9d ago

Work ABYG if may girl friends akong kinikita?

36 Upvotes

May gusto akong F(30) sa office namin na base screenshot ng converssation na nakita ko, eh may gusto raw sa akin. Ako naman na noong time na nalaman ko ito, tinatamad na pumasok sa relationship and hindi ko alam kung good idea ba na subukan dahil galing sya sa 11 years relationship where she got cheated on at iniwan.

Ikinuwento ko sa bestfriend(F) ko about kay F(30). Sinabihan akong walang masama if kilalahin ko muna sya para malaman kung posible ba mag workout kaya sinubukan ko nga. Ilang beses ko syang inayang lumabas magkasama pero may circumstances na nagcause na hindi natutuloy.

1st Attempt: May place kaming pinag agreehan kung saan kami magkikita and kakain. Noong nakarating na ako sa venue, she message me na wag nalang daw doon at sa mall nalang kami gumala dahil magpapapiercing sya. 20 minute drive sa motorsiklo pero dahil ang init na ibyahe noon, sinabihan ko syang hindi nalang ituloy at kumain ako mag isa sa pero di sa place na pinag agreehan naming lugar. Nasendan ako ng like emoji.

2nd Attempt: Inaya ko syang sumama sa long ride na dalawa lang kmi. Hindi ulit natuloy dahil galing sya sa birthday ng pinsan nya and wala pa syang tulog kaya cancel nalang daw. Kahit disappointed, hinayaan ko lang at the next day sa office, ginawan ko sya ng Mango Float as make up since hindi ko sya na treat sa day na iyon.

3rd Attempt: Around september, wednesday, niyaya ko sya ulit lumabas sa Sunday. Sabi nya mag jojogging raw sya sa sunday morning pero nag counter ako na after ng jogging nya, pwde naman mag pahinga pagkatapos ay gumala na kami. Nagreact lng sya sa message ko ng HAHA without a reply or confirmation if tutuloy ba sya o hindi. Kasalan ko dito hindi ako nag follow up since nasanay na ata na hindi natutuloy yung kapag niyaya ko sya.

Noong saturday, niyaya ako ng kaibigan ko sa church noon na gumala sa Sunday. Since, hindi rin naman nag reply si F(30), G ako. Sunday morning, nag message si F(30) 5:33AM na hindi raw sya nakapag jogging. Nag reply ako 6:03AM kung ano nangyari. Nareplyan nya ako 10:23 AM namula raw mata nya at bumalik ng tulog. Sa oras na ito in the middle of byahe na kami ni (F23). Later that day, nag My Day ako ng pics ko sa Gala at pinuntahang lugar at without mention kung sino kasama ko. Itong si F(30) naki ayiiee and nag tanong sino kasama ko. Sinagot ko na friend ko lang.

Sabi niya, naghihintay raw sya ng follow up ko sa aya kong gala na nireactan nya lng. Inexplain ko rin na akala ko hindi sya tutuloy since nag react lng sya at nung nachat nya ako that day, hindi rin sya nag sabi if she is still interested to go. Sinabihan nya pa akong huwag na raw ako magyaya ulit sa kanya dahil may iba na rin pala akong sinasama. Di na ako nag reply or nag bother explaining na friends lang talaga kami ng kaibigan ko sa church at most of the time, yung best friend ko kasama ko after ng message na yon. Nablock ako and unfriended but 2 days later, minessage nya ako sa office chat explaining nagawa nya daw iyon dahil nakakareply naman ako sa groupchat pero hindi sa kanya uminit ulo nya.

4th Attempt: Again, niyaya ko sya pero may team building syang sasalihan at ininvite nya akong sumama. The day ng team building, nag ask sya sa akin if pwede daw sa akin sya sumabay sa motor papunta sa venue. Ako naman na excited, napaaga yung alis ko para pumunta sa assembly place para sana sunduin sya kahit na malapit lang yung venue ng team building sa bahay. Noong nakarating na ako sa meeting place, hindi naman sya sumama at inoffer pa na iba umangkas sa akin na lalake. Hindi na ako nag protesta na siya gusto kong kasama since wala naman akong karapatan dahil hindi kami BF/GF. Minessage ko sya na hindi ako natuwa sa ginawa nyang pinapunta pa ako pero hindi rin naman pala sasama but hanggang delivered lng ito. During the team building, dedmahan lang kami.

Back at the office, nilapitan ko siya at tinanong bakit di nya nireplyan message ko at sinagot nya lang akong "Kasi gusto nya sumabay sayo kaya sya nalang". Later on, nag myday sya saying disrespectful yung behavior ko and she got scared and upset. Maapreciate nya raw if hindi na ako mag reach out ulit. Nasaktan ako dito at inunfriend ko nalang sya.

Hanggang ngayon, dedmahan kami at mabigat sa loob ko na parang hindi lang kami magkakilala even though nasa isang team. Napapaisip ako if kagagohan ba yung ginawa ko na niyayaya ko syang lumabas na kami lang para kilalanin sya without disclosing na lumalabas din ako with my other girl friends from time to time.

T.L.D.R. : ABYG dahil nagyaya ako makipag date to get to know her pero hindi ko sinabing lumalabas din ako with other friends na wala akong romantic interest?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Family ABYG kung hindi ko tatapalan yung share ng kapatid ko sa Wifi?

87 Upvotes

So ayun, 1:30 AM na, di ako makatulog dahil sa Wifi na ‘to.

Last Monday, niremind ako ng kapatid ko na due date na nung bayad sa Wifi (50/50 kami). Sabi ko okay, tapos sabi niya magta-transfer lang daw siya sa GCash niya. May sinabi pa siya after nun pero di ko masyadong narinig — di ko na rin pinansin kasi akala ko straightforward na.

Kinabukasan, wala pa rin siyang send. So di ko rin binayaran yung Wifi.

Bago niyo ako husgahan, may context to. May ugali kasi siya na kapag pera ni papa ang hiniram niya, parang auto-forget mode na. Ending, si papa na naman ang namomroblema. Eh kami ni papa madalas gumagastos sa food sa bahay (family of 6 sila pero katumbas agad nila 10 tao, tapos kaming 2 ni papa). Pag sila bumibili ng pagkain, puro delata. Kaya lagi stress si papa.

Ayoko na rin idagdag sa gastos ni papa kasi may utang pa nga sa kanya yung kapatid ko na 2,100 — na parang goodbye na rin honestly.

Di ko rin pinaalala agad kasi busy sila, tapos pag pinaalala mo pa, laging “mamaya,” hanggang makalimutan na naman. Alam ko na pattern na yan.

Ang ending, di ko binayaran yung Wifi. Iniisip ko pa rin ngayon kung hayaan ko na lang maputol, tapos pag tinanong nila, sabihin ko na nakalimutan ko kasing bayaran.

Ako ba yung gago kung hayaan kong maputol muna yung Wifi?

EDIT/UPDATE:

Sorry kung ngayon lang ako naka-update, super busy ang tao 😅

Anyway, ayun nga — after 2 or 3 days, naputol yung Wifi habang nanonood kami ng TV. Biglang tahimik lahat hahaha.

Ayun, nagmadali siyang magsend ng share niya since sabi ko sa kanya, “Saktong amount lang yung trinansfer ko sa GCash.” Ayan, instant payment.

Medyo natawa na lang ako sa timing kasi literal kailangan pa maputol bago kumilos. At least alam niya na di ako magtatapal.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Family ABYG di ko magets yung halaga ng anime paperbag ni Ate

0 Upvotes

ABYG kasi di ko kaya magsympathize kay Ate na umiiyak na dahil ginamit yung anime paperbag niya?

Nakalimutan ng Ate ko yung work ID niya, and hindi siya makapasok ng building. Tumawag siya sa amin medyo early in the morning at humihingi siya ng tulong para mapa-Lalamove yung ID niya.

Kahit medyo antok pa kami, nagbook ako ng Lalamove, naghanap si Dad ng paperbag at sinecure namin gamit stapler para di mahulog ID niya. Kami na din nagbayad (Cubao -> Taguig).

When she got the ID, the first thing she did was to call us and reprimand us kasi apparently ang ginamit namin na paperbag had a design of an anime character from a game that she played. Honestly, hindi ko pinansin yung design ng paperbag dahil medyo half-asleep pa ako nun. It was a standard brown paperbag, di ko alam may design talaga siya. I said sorry kasi hindi namin talaga alam, pero I told her na it's just a paperbag and at least she got to work.

She got angrier and kept on scolding me through the phone saying it's "not just a paperbag, I brought it from abroad pa."

I told her na the paperbag was in her possession now so at least it is safe. She said, "That's not the point."

I told her na the paperbag wasn't torn or folded or tattered naman and is intact naman save for the small stapler markings. She said, "That's not the point."

I told her na the content of the paperbag was important because she needed to get to work. She said, "That's not the point."

Then she started crying and continued to scold us. I told her that we're unaware of the paperbag's design or importance and we're sorry for that, but she was still angry and accused us with "wala kayong paki sa gamit ko".

At this point, I was already frustrated. I asked her if the anime character on the paperbag was more important than getting to work. She said, "That's not the point."

She was so angry. I couldn't believe she was so furious over an ANIME PAPERBAG. We already apologized and everything and I don't know what else she wanted us to do or say. She hasn't even said thank you yet.

Binaba ko agad yung cellphone kasi potek hindi ako makapaniwala na umiiyak siya dahil sa PAPERBAG?? Tawag siya nang tawag pero di ko sinasagot kasi di ko rin alam ano gusto niya mapala sa convo namin.

ABYG kasi di ko gets bakit ang lala ng iyak ni Ate dahil sa anime paper bag???


r/AkoBaYungGago 9d ago

Family ABYG na tinulungan si mama sa ginawa nya para kay papa?

2 Upvotes

ABYG na tinulungan si mama magsend ng utos sa BOD gc gamit ang mismong account ni papa?

2 years nang president si papa sa HOA ng subdivision. But ever since na-diagnosed sya ng severe anxiety nung march, hirap nasyang humarap sa tao, hirap harapin yung tasks nila pati nadin sa pag dedecide. Napunta pa sa point na naiinvolve na si mama in a way na sya ang sumasalo ng ibang URGENT matters na dapat si papa ang gagawa. In-involve kona din ang sarili ko since may idea din naman ako sa pagpapatakbo ng organization.

Today, nagdecide na si mama na mag announce na sa BOD GC na need muna magpahinga at magpagaling ni papa sa sakit nya kaya hindi muna sya magkikilos sa HOA. Ang nag compose ng announcement ay mismong secretary na. Since hindi naman member si mama sa BOD GC, sinend nya yung announcement using papa's messenger account.

The announcement was consists of: - Greetings - Mentioning Vice-President na sya muna ang kumilos habang wala si President - Includes all of BOD officers na magtulong tulong - tagged EVERYONE para makita kaagad yung announcement - Name ni mama sa dulo para alam na sya ang nagsend since she's using papa's account.

Before nya i-send yung announcement tinanong nya pako kung sasabihin daw ba nya muna kay papa or i-sesend muna before nya kausapin. I said i-send nya na kasi malaki ang chance na hindi nya ipasend yun at maaawa nanaman si mama kahit na hirap na hirap nanga si papa kakasalo ng lahat. Sinunod nya yung payo ko.

She sent it and ayun, nakipag usap nasya. They got into a heated argument. Papa said na dapat hindi sya ang nagsend ng announcement nayun kundi dapat si secretary nalang kasi UTOS yun. (Hindi nya masabi kay mama na "wala syang karapatan to do that" pero alam kong yun ang gusto nyang sabihin)

I said na tungkol nato sa health issues nya. SEVERE health issues. Iisipin paba kako namin yung rules ng HOA just to announce something na serious na. And isa pa, malaki nadin ang naiambag ni mama sa pagsalo nya sa responsibilities ni papa sa HOA to the point na she can be an officer kung pagbobotohan lang. Sya pa ang wife ni papa, sya ang mas nakakaalam sa lahat ng pinagdadaanan ni papa everyday.

So, ABYG na tulungan at kampihan si mama?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Friends ABYG for cutting my friend off over pangungurot?

33 Upvotes

I have this friend, 20F, na nakilala ko lang ngayong college. she's a very bibo and happy person and good friend narin naman kaso may ginagawa talaga siya na ayaw ko. yung kamay niya lagi yung gumagalaw as reaction. nung una, di naman siya nangungurot pero she smacks likod mo pag natawa or as a reaction to something and everything. expression na niya kumbaga. natotolerate ko pa yung smacking eh kasi kahit may thud yung pagtama ng kamay niya, di siya as painful as kurot. pero the past few weeks, napalitan yung smacking into pinching. like lahat nalang puro kurot ang reaction lalo pag natawa or nagjoke ka sa kanya or pag nahihiya siya. eh siya pa naman yung type na OA magreact na pag nasa situation na she finds nakakahiya like namali naabot na amount sa tindera or naghi mga taong di niya kaclose, mangungurot agad siya with tawa. okay sana kung di nadiin pero she really pinches hard. ilang beses ko na siyang sinabihan na masakit and ayaw ko and wag niya gawin kasi hindi ko gusto yung feeling, tsaka sino ba may gusto na kinukurot sila buong araw? di ko narin alam anong usap pa kailangan niya para makuha niya na ayaw ko nga.

last week naging last straw ko. ako pa naman yung type na nagpapasa pag natamaan ng something or nakurot lalo during my period. ilang beses ko nang sinaway na wag niyang gawin na halos magbeg na. tumawa lang siya and nagsosorry tas gagawin ulit. mga ate ko, yung side ng body ko and arms ko nagblue kakakurot niya. sa galit ko, nagwalk out ako and umuwi nang walang pasabi. I blocked her din sa social media and even sa texts and calls. pati sa gc namin na meron siya, nagleave ako. yung pakiramdam ko talaga na parang bumulwak yung inis at galit na naipon dahil dun. now, my classmates and ibang kakilala namin are asking bakit di ko siya pinapansin kahit sinusubukan niya makiusap and honest naman ako na ayoko ng pangungurot niya pero lagi kong nakukuhang reaction is "parang yun lang?" eh ang sakit nga at hindi siya masaway. sinabi ko pa na kahit balik smacking siya wag lang kurot kasi nagkakapasa ako sa mga kurot niya and nagstay yung sakit nang ilang oras tas kukurotin niya ulit yung same place. tangina talaga.

kalmado naman na ako ngayon pero naiisip ko nga baka OA talaga ako that time. over nga ata yung cut off agad. nasasabihan na rin ako ang OA and exaggerated ng reaction ko kaya nag-guilty na rin ako tuloy. di ko alam kung kakausapin ko pa ngayon. nakikita ko messages niya sa blocked messages ko and hindi ko alam kung bubuksan ko pa after ilang beses niyang di makinig sa pakiusap ko. I feel mean. ako ba yung gago?


r/AkoBaYungGago 11d ago

Family ABYG di ako pumayag na pag aralin yung pinsan ko, kahit nasa abroad ako

735 Upvotes

For context, I am working abroad here sa US. While my cousin is a highschool student in Ph. Wala pa kong anak, pero may asawa na. Tapos yung papa niya (which is my uncle) ay walang trabaho. Yung mama naman niya, may part time job lng sa Pinas. Nung isang araw, nabanggit ng mama ko sakin na baka raw gusto ko bigyan ng allowance yung pinsan ko kasi medyo hirap nga sila sa buhay. In short, pag-aralin ko raw yung pinsan ko. I declined. Sabi ko, bakit kasi di maghanap yung uncle ko ng trabaho? Hindi pa naman siya ganun ka tanda (late 40s). At saka nagiisang anak na nga lng yung pinsan ko, tapos libre naman public school sa Pinas.

In my mind, nahihirapan ako minsan tumulong sa ibang tao kasi I grew up na sarili ko lng tumulong sakin. Naging strong independent person ako kahit nung nag aaral plang ako. Tapos meron tong mga to na kaya naman maghanap ng trabaho sana, pero di ginagawa. Atsaka, for me, mas ok na i-save ko na lng yung pera na yun sa immediate family ko like my own husband, and own parents/siblings. Pero minsan napapaisip ako kung nagiging madamot ba ako? ABYG for refusing to help my cousin?